( Mga Alamat ) Alamat ng singkamas
( Published: 2008-01-25 07:15:53 )
Ang Alamat ng singkamas

           Ang kaharian ng himalandia ay pinamumunuan ng mag-asawang si Haring Ramon at Reyan Victorina. Ang mag-asawang ito ay ubod ng bait at matulunging.

 

           Biniyayan ang mag-asawang ito ng isang napakaganda at ubod  ng putting batang babae. Ngunit ang ugali nito ay kabaliktaran ng ugali ng kanyang m,ga magulang. Habang nagdadalaga ito ay lalong hinangaan ang angkin nitong kagandahan at kaputian. Kaya’y na pakaraming kalalakihan ang nabighani sa kanya. Kaya namay  hindi maipagkakailang maraming naiingit sa kanya at isa na ditto si Devorah.

 

Si Devorah ay kabaliktaran ng Prinsesa, isa itong napakapanget at ubod ng itim na babae at may alam ito sa salamangka. Kaya nama’y nagging tampulan ito ng tuksohan sa kaharian at lalo na ang mga kalalakihan.

 

Isang araw may isang Prinsipeng nagawi sa kanilang kaharian na nagngangalang Prinsipe Dion, malugod naman itong tinanggap ng hari at reyna. Tulad ng ,araming kalalakihan ay nabighani rin ang prinsipe sa prinsesa. Dahil sa angking kakisigan ng prinsipe ay nagkagusto ang prinsesa sa prinsipe at sila ay nag-ibigan.

 

Isang arawa masayang naglalakadlakad sa hardin ang prinsipe, hindi niya namalayan may isang pares ng mata ang sumusubaybay sa kanya. At iyo ay si Devorah. Makalipas ang ilang minuto ay bigla nalang may sumulpot sa likuran ni Devorah, si Luningning. Isa itong malayong kamag-anak niya.

 

Dahil sa pag-aakalang mapagkakatiwalaan ito ay inamin niya ditong na may gusto siya kay Prinsipe Dion. Ngunit hindi niya alam na isa itong madaldal at tapat sa Prinsesa.

 

Nang malaman ito ng prinsesa ay agad nitong sinugod si Devorah at pinagsalitaan ng masakit. “Isa ka lamang hamak, pangit at ubod ng itim walang wala ka sa akin kaya wala kang karapatang mahalin ang aking  mahal na prinsipe”

 

Mabilis na nagtatakbo si Devorah patungo sa kanyang silid doon siya umiyak ng umiyak. Dahil sa ginawa ng prinsesa ay may naisip siyang masamang plano.

 

Kinagabihan nakita niyang  naglalakad ang prinsesa sa hardin, doon niya sinagawa ang plano. Umusal siya ng isang ritwal at bigla nalang bumagsak ang prinsesa at nawala. Makalipas ang ilang minuto, bigla na lang may sumibol na halamang ugat. Hugis bilog at maputi ang bagay na ito

 

            Mula noon tinawag itong singkamas


Comments for this article:

There are no comments for this article.

To post a comment to this article, you need to login first.