( Mga Nobela ) KABANATA V
( Published: 2008-01-19 10:49:51 )
ANG “NOCHEBUENA” NG ISANG KUTSERO

KABANATA V

 

ANG “NOCHEBUENA” NG ISANG KUTSERO

 

Nang dumating si Basilio sa San Diego ay kasalukuyang inililibot ang prusisyon ng Noche-buena sa mga lansangan. Siya`y nabalam nang may ilang oras sa daan dahil        sa ang kutsero na nakalimot dalhin ang kanyang sedula, ay panigil sa daan ng Guardia Civil, binugbog at saka pa iniharap sa kumandante. Natigil uli ang karumata upang

paraanin ang prusisyon, samantalang ang kutserong nasaktan ay buong-galang na

nagpugay sa unang imahen, na sa pagkakalagay sa andas ay may anyong napakadaki-

lang santo, at saka nagdasal ng isang Ama namin. Ang nasabing amahen ay larawan

ng isang matandang lalaki na may mahabang balbas, nakaupo sa gilid ng isang libi-

ngan nasa ilalim ng isang punungkahoy na maraming tinuyong ibon. Isang kalan na

may isang palayok,isang almires at isang kalikot ng hitso ang kanyang mga kasang-

kapan, na para bagang ibinabalita na siya`y naninirahan sa tabi ng isang libingan at

doon din siya nagluluto. Ito ay si Matusalem sang-ayon sa paglalarawang , makarelihi-

yon sa Pilipinas; ang kanyang kasama at marahil ay kapanahon ay tinatawag na Noel

sa Europa, nguni`t may anyong masaya at kaakit-akit.

``Nang kapanahunan na mga santo,” ang nasabi sa sarili ng kutsero, “marahil ay walang

mga Guardia Civil sapagka`t kung mayroon ay hindi sila mabubuhay nang matagal sa

pangungulata,”

 

Sumunod sa dakilang matanda ay ang tatlong Haring Mago na nangakasakay sa mga kabayong dumaramba, lalung lalo na ang sa maitim na haring Melchor na tila ibig sumagasa sa mga kabayo ng mgakasama niya.

“Talaga, talagang walang mga Guardia Civil noon,” ang patuloy ng kutsero na kinaiingitan pa angmaligayang panahon na iyon, “sapagkat kung mayroon, ay madadala

na sa bilangguan ang maitim na iyan sa piling ng dalawang kastila – Gaspar at Baltazar.”

Nang makita ng kutsero na ang maitim ay may korona at siya`y hari ring kagaya ng dalawang kastila. Naalaalaniya ang hari ng mga indiyo, kaya`t nagbuntong hininga siya

At saka mapitagang nagtanong: “Alam po ba ninyo kung ang kanang paa niya ay wala nang tali ngayon?”

 

Kanang paa nino?” ang tanong ni Basilio.

“Ng hari!” ang mahiwagang sagot ng kutsero.

“Sinong hari?”

“Ng ating hari, ang hari ng mga indiyo.”

 

Ngumiti si Basilio at ikinibit ang mga balikat, samantalang ang kutsero ay muling nagbuntung-hininga. Ang mga indiyo sa kabukiran ay naniniwala ayon sa isang alamat,

Na ang kanilang hari ay nakakulng at nakatanikala sa yungib ng San Mateo, nguni`t darating isang araw at sila`y palalayain. Sa bawa`t sandaang taon ay nalalagot ang isa niyang tanikala kaya`t nakakalag na ngayon ang mga kamay at kaliwang paa. Walang

nang natitira ngayon kundi ang kanang niyang paa. Kung nagpupumiglas o gumagalaw

ang haring ito, ay lumilindol at yumayanig ang lupa; siya`y napakalakas, na upang makipagkamay sa kanya, ang iniaabot ay isang buto na nadudurog sa kanyang pisil.

Tinatawag siyang Bernardo ng mga Tagalog nang hindi malaman kung bakit, marahil

ay pinagkakamalan siyang si Bernardo del Carpio.

“Kapag nakalag na ang kanan niyang paa,” ang bulong ng kutsero, “ ay ibibigay  ko sa

kanya ang aking mga kabayo at maglilingkod ako sa kanya habang-buhay, pagka`t ililigtas niya tayo sa mga Guardia Civil .”

 

At sinundan niya ng malungkot na tingin ang tatlong haring papalayo na.

Sumunod na roto ang dalawang hanay ng mga batang lalaki, malungkot at walang kakibu-kibo na animo`y pilit lamang ang pagkasama nila roon. Ang ilan ay may sulo,

Ang iba`y may kandila at ang iba`y may mga parol sa dulo ng kawayan saka malakas na magdarasal ng rosaryo na wari`y nakikipagkagalit. Sumunod na si San Jose na nakalagay sa isang lumang andas, may anyong malungkot at mapakumbaba, may tungkod na may bulaklak ng asusena at napapagitna sa dalawang Guardia Civil na animo`y may hatid na

Bilanggo. Natalos ng kutsero ang dahilan ng gayong kalungkutan. Marahil ay nakaligalig sa kanya ang pagkakita sa dalawan sundalo o baka naman hindi siya nagkaroon ng pitagan sa iang santo na napapagitan sa dalawang kawal, kaya`t ni hindi na siya nagkurus ni nagdasal ng kahit requiem aeternam  man lamang.

 

Sa likod ni San Jose ay tumatanlaw ang mga batang babaing nangakatalukbong ng mga panyong nakabuhol  sa ilalim ng baba at nagsisipagdasal ng rosaryo, bagaman hindi lubhang galit ng katulad ng mga batang lalaki sa una. Sa gitna nila ay makikita ang ilang batang may hilang mga koneho na yari sa papel na hapon, may ilaw na maliliit na parang

Kandila at nangakaigkas ang mga buntot na yari sa papel na pinaggupit-gupit. Dala ng mga bata sa prusisyon ang mga laruang ito upang pasiglahin ang pagsilang ng Mesias.

Ang mga hayop, matataba at mabibilog na tulad ng itlog, ay parang tuwang-tuwa, walang anu-ano ay malulundag, matatagalid, mabubuwal, at masusunog. Ang mga may-ari naman ay walang humpay ng kaiihip upang patayin ang apoy na na unti-unting tumutupok sa laruan, kasabay ng malakas na iyakan ng mga batangnawalan ng hinihilang maliliit na hayop. Napapansin din ng kutsero na ang mga laruan ay unti-unting nababawasan tulad ng mga hayop na buhay na dinaraanan ng sakit. Siya, ang napahirapang si Sinong, ay walang pang natatagpuang lunas laban sa sakit ng hayop, at upang mailigtas sa pagkahawa sa sakit ay pinabebendisyunan  niya sa kura na binabayaran ng sampung piso, nguni`t maging ang kura at maging ang Pamahalaan ay wala pang natatagpuang lunas laban sa sakit ng hayop, kaya`t nangamamatay rin. Subalit nasiyahan din siya nang bahagya  sapagka`t nang mawisikan  ng tubig na bendita ang mga kabayo, at makarinig ng mga salitang latin ng pari, at kung anu-ano pang seremonya, ay nagkaroon ng sigla at ayaw nang pasingkaw, at dahil sa siya`y mabuting kristiyano ay hindi na mapalo ang kabayo sa dahilang ang sabi ng isang  “hermano tercero” ay benditado na ang mga kabayo na iyon.

 

Ang panghuli sa prusisyon ay ang Mahal  na Berhing nakasuot Divina Pastora, nakasumbrero nang malapad ang pardiyas at may mahahabang pakpak  ng ibon upang ipakilala ang pakakalakbay  sa Herusalem. Upag maipakilala ang pagdadalang-tao ay iniutos ng kura na patambukin ang tiyan, lagyan ng basahan at bulak sa ilalim ng saya. Ang Berhin ay isang magandang larawan na may anyong hapis na katulad ng lahat ng larawang gawa ng Pilipino, tila nahihiya sa ayos  na ginawa sa kanya ng kura. Sa unahan ay naroo ang mga kantores at sa likuran ay angmga musiko at ang nauukol na ma Guardia Civil. Ang kura, gaya ng dapat asahan, ay hindi kasama, sapagka`t sa kabila ng kanyangmabubuting paliwanag ay hindi rin niya napilit ang mga tao n magbayad ng tatlumpung piso sa halip ng dalawanpu sa bawa`t misa sa madaling araw. “Kayo`y nangigiging pilibustero” ang sabi ng kura sa kanila.

 

Parang natutubigan ang kutsero sa mga namalas niya sa prusisyon, sapagkat nang ito`y makaraan at iutos ni Basilio na magpatuloy, ay hindi niya napansing ang isa pala niyang parol ay patay na. Maging si Basilio ay hindi napansin iyon dahil sa pagmamasid niya sa mga bahay na may mga parol, a may iba`t ibang kulay, mga bituing nalilibid ng bilog na may mahahabang palawit na umuugong kapag iniwawasiwas ng hangin sa kinasasabitang  balisbsan. Nguni`t napuna niyang ang mga ilaw ay unti- unting nanlalabo, ang mga bituin ay lumalamlam at sataong iyon ay hindi lubhang marami ang mga palamuti at mga palawit na tulad ng mga nagdaang taon. Halos walang marinig ng mga musiko sa mga daan, at ang datihang katuwaan sa mga kusina ay hindi nakikita sa lahat ng bahay noon. Ipinalalagay na ito`y gawa ng kasamaan ng panahon, ng pagbaba ng halaga ng asukal, ng pagkakatuyot ng palay at pagkakamaty ng halos kalahati g mga hayop, at ng pagtaas ng buwis na hindi malaman kung bakit, samantalang sumisidhi ang kasamaan at pagmamasagwa ng mga Guardia Civil, na sitang pumapatay sa kaligayahanng mga taong-bayan.

 

Sa ganitong pagmunimuni, walang anu-ano ay narinig na lamang niya ang isang “alto”!

 

Sila`y dumaraan noon sa tapat ng kuwartel at isa sa mga tanod ang nakapansin na walang ilaw ang parol ng karumata at sa gayo`y hindi maaaring magpatuloy. Katakut-takot na pag-alimura sa kawawang kutsero ang narinig noon. Sinabi ng kutsero na angdahilan ay ang totoong kahabaan ng prusisyon, kaya`t siya`y nakikiusap, nguni`t hindi dininig ang kanyang pakiusap at siya`y pipiitin at ilalathala pa sa pahayagan, dahil sa siya`y lumabag sa pinag-uutos. Ang mahinahon at ayaw ng basagulong si Basilio ay bumababa na lsa sasaktan, pasan ang kanyang tampipi at anglakad na lamang. Ito ay bayan ng San Diego, ang kanyang bayan, nguni`t wala ni isa man siyang kamag-anak doon.

 

Ang bahay na tanging nakita niyang masaya ay ang kay Kapitang Basilio. Ang mga inahin at tandang ay nag-iiyakan kasabay ang tunog na wari`y nagtatadtad ng karne sa sangkalan at ang sagitsit ng mantika sa kawali. May handa sa bahay at umaabot sa lansangan ang paminsan-minsanng simoy na may amuy-ulam na iniluluto. Sa entreswelo ay nakita ni Basilio si Sinang, mababa rin na gaya ng alam ng dati nating mambabasa, tumaba at bumilog simula nang siya`y mag-asawa. Nguni`t sa buong pagkamangha ay nakita rin niya sa may gawing loob si Kapitang Basilio a nakikipag-usap sa kura, sa alperes ng Guardia Civil at sa kay Simoun na mag-aalahas na nakasalamin ng asul at taglay rin ang dati niyang kilos-malaya.

 

“Maaasahan ninyo, G. simoun” ani Kapitang Basilio, “na kami`y paroroon sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas.”

 

“Ako man ay paroroon din,” ani alperes, “sapagkat nangangailangan ako ng isang “kairel” ng relos, ngunit ako`y totoong marami pang hinaharap….kung maititingin na sana ako ni Kapitang Basilio…”

Malugod na sumang-ayon si Kapitang Basilio at sa kaibigan niyang makasundo ang alperes upang huwag siyang pinsalain kailanma`t ang kanyang mga tauhan ay ginagambala, ay hindi na tinanggap ang kwaltang pinipilit na ilabas sa bulsa ng alperes.

 

“Iyon na ang aking papasko sa inyo,”

“Hindi ko mapahihintulutan, kapitan, hindi ko mapahihintulutan!”

“Siya! Saka na tayo magtuos sa huli!” ang sabi mapagparayang kapitan.

 

At saka, nangangailangan din pala ng isang paris na hikaw ang kura, kaya ipinakiusap na bilhin na iyon ni kapitang Basilio para sa kanya. “Ang ibig ko`y mainam. Saka na tayo magtuos.”

 

Huwag kayong mag-alaala tungkol doon, Padre,” anang mabuting kapitan na sa simbahan man ay nanunuyo rin. Isang masamang patibay lamang ng kura ay malaki rin ang kasamaang magagawa at marahil ay ibayo pa sa halaga ng hikaw kaya`t yaon ay isang alaalang kaibigan niyang ipilit. Samantala`y pinakapupuri naman ni Simoun ang kanyang alahas.

 

“Ang taong ito ay nakagugulat,” ang sabi ni Basilio sa sarili. “Kahit saan ay nakapangangalakal, at kung mapaninwalaan ko ang ilang nagsasabi, ay binibili niya sa ilang ginoo ang mga alahas sa mababang halaga lamang at kanya ring ipinagbibili iyan upang ipng-alay. Ang lahat sa lupaing ito ay nakapangangalakal tangi lamang kami!”

 

At tumungo si Basilio sa kanyang tahanan, o dili kay`y wala. Hinihintay siya upang balitaan ng katiwala, na may malaking paggalang sa kanya mula noong Makita siyang bumubuhos na paranginahing manok lamang ang iniiwaan. Ang dalawang manggagawa ay napipiit, ang isa`y matatapon sana sa malayong bayan, namatay ang ilang kalabaw.

 

“Iyan at iyan din, matatandang balita!” ang payamot na sabi ni Basilio. “Sa tuwi-tuwina ay ganyan ang isinasalubong ninyo sa akin.” Ang binata ay hindi naman mabagsik, nguni`t dahil sa siya`y madalas makagalitan ni Kapian Tiago, ay nagagantihan tuloy ang mga nakabababa sa kanya.

 

Ang matanda ay naghanap ng ibang maibabalita. “Isa sa ating mga kasama ay amatay, ang matandang nagbabantay sa kaingin at ayaw siyang ilibing ng kura na parang isang mahirap sapagka`t mayaman daw ang kanyang panginoon.”

 

“Ano naman ang kanyang ikinamatay?”

“Sa katandaan na.”

 

“Sa katandaan? Kung namatay man lamang siya sa sakit!” Si Basilio sa hangadna makagamot ng iba`t ibang karamdaman ay mahilig sa mga pagkakasakit.

“Wala na ba kayong ibang maibabalita sa akin? Nawawalan ako tuloy ng ganang kumain dahil sa iya`t iyan din ang ibinabalita ninyo sa akin. Wala ba kayong nalalaman tungkol sa Sagpang?”

Sa gayo`y ibinalita ng matanda ang pagkakadakip kay Kabesang Talas. Nag-isip nang malalim si Basilio at hindi na kumibo. Tuluyan nang nawalan siya ng ganang kumain.             

 

 


Comments for this article:

There are no comments for this article.

To post a comment to this article, you need to login first.